finluithiel: (Default)
finluithiel ([personal profile] finluithiel) wrote2007-08-15 07:26 pm

hm.

I was more chipper than normal today, according to Banzy, since I'm usually a "doom-y-ish" and "gloomy-ish" kind of person. I think it was because we escaped from having to endure lab. Hee.

Banzy and I watched Rush Hour 3 at Gateway earlier. It was...not really sucky, but the ending left us hanging and going all BWUH? o_O

Anyway, my good mood dissolved once I was right in the middle of crossing EDSA, because the rain fell straight down. Then, when I arrived home, I experienced having to be with a hyperactive little boy experiencing cabin fever. So far, I've had to reprimand him for: turning off the computer while I was still using it, hitting my sister because she happens to be in the same room with him, and not cleaning up after himself after playing with his toys. Needless to say, I am NOT looking forward to tomorrow, as classes are suspended in all levels again. JOY.

***

A morbid and sad little something, because I'm in that kind of mood right now:

ARALIN SA KASAYSAYAN #3 (KUNG PAANO PUMATAY NG BATA)
Ramon C. Sunico

1. Kinakailangang maganda ang araw:
Bughaw ang langit, pilak ang alapaap.
At sa gayo'y lalong malinaw
Ang magiging gunita
Ng bawat panauhing kinumbida at bumisita.
Bukod dito, kailangan din
Ng entabladong kitang-kita
Nang walang magreklamo
Nang walang mabigo.

2. Dapat ring makikisig ang pipiliing sundalo.
Mainam kung masunurin at matibay ang puso.
Isa sa kanila ang pipili sa sanggol
Na walang-kibong pipitasin
Mula sa kapit ng ina.

3. At dito magsisimula ang drama.
Tiyaking maganda ang bata.
Huwag kaligtaang sabihin sa kawal
Na, sa pagpitas nitong sanggol,
Kailangang maghintay muna
Ng ilang sandali
Upang makahulagpos ang tilihan
Ng kawawang mag-ina,
At pumailanlang sa marikit na alapaap.
Aalingawngaw sa yungib
Ng bawat taong may tainga
Itong duwetong sadyang pakikinggan nila.
(Mahalaga ang katahimikan upang makaalala.)

4. Dahan-dahang iiitsa ang bata.
(Kailangang pinagsanayan na
Ang buko man o bato
Nang mataas ang lipad nitong
Sisiw na tao -
Nang walang hindi makakita
Nang walang mabigo.)

5. Ngayon nakasalalay sa pangalawang sundalo
Ang kasukdulan ng drama, ang katapusan ng palabas.
Talas ng mata. Bilis ng kamay.
Sa madaling salita, kailangan ang isang asintado,
May bakal sa bisig - isang tunay na sundalo.
Hindi ito pipiglas sa pagpunit ng balat
O uurong sa pagpilansik ng dugo.
Hindi mamumutla sa kalampag ng bangkay
O manlalambot sa madulas
At mapulang entablado.
Dapat kasintalas, kasintulis siya
Ng bayonetang hinasa at nilinis niya.
Hindi dapat pahirapan ang kawawang bata.
Mga magulang din tayo.
Wala siyang sala.

Post a comment in response:

This account has disabled anonymous posting.
If you don't have an account you can create one now.
HTML doesn't work in the subject.
More info about formatting