UPCAT results....?
SINO NA'NG SIGURADO SA UPCAT RESULTS NIYA?!?!?!!!!?!
Gah. Di ko na alam kung ano'ng gagawin ko. Sabi ni Tita Carmel sa'kin nung isang linggo na lalabas ung results sa Feb. 5 eh. Pinuntahan ko naman ang site ng UP at sabi nila naka-post na daw sa Palma Annex Building ung listahan.
Eh mukhang tinambakan nila tayo ng gawain at di ako maka-punta sa UP. At nakalimutan kong i-text yung kakilala ko sa UP para hanapin yung pangalan ko. Baka sa Sabado ko pa malalaman kung ano'ng standing ko sa pamantasan na 'yon.
Kailangan ko na talaga malaman kung pumasa ako o hindi. Kasi doon ko lang talaga malalaman kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo.
***
Pansin niyo ba na ang ganda ng pagkasulat ko ngayong gabi? Tingin ko ganito talaga kung katatapos mo lang ang iyong sulating pormal. Ang ayos-ayos mo magsulat ng Tagalog sa lj mo. (O ako lang ba 'to?)

Re: hello!
WHY ARE THEY PROLONGING ALMOST EVERY HIGH SCHOOL SENIOR'S AGONY??!!?!?!?
I never knew that sadism is a requirement to join the ranks of UP's infamous bureaucracy. Damn.
Re: hello!
Re: hello!