finluithiel: (Default)
finluithiel ([personal profile] finluithiel) wrote2006-03-14 08:26 pm
Entry tags:

ano ba yan.

hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

ewan ko ba. hanggang ngayon, di pa rin kapani-paniwala na malapit na ko mag-graduate. parang noong nakaraang taon lang ako nagsimula mag-aral sa isang mataas na paaralan, eh.



basta, grabe ang umaga ko kanina.

pangit ang paggising ko, kaya masama ang pakiramdam ko noong papuntang school. tapos sumaya ako nang konti bago pumasok ng gym. pero noong pagkapasok ko naman ng gym, bigla na lang sumama ang loob ko sa mundo, mas lalo na sa mga katabi ko.

wala naman silang ginawang masama sa akin o sa mga tao sa paligid ko, kaya nagtataka na lang ako ngayon kung bakit ako biglaang nagalit sa kanila. siguro kasi nagkamali ng pagkuha ng partner ung isa kong katabi kaya mag-isa akong naglakad sa aisle nang walang magandang dahilan. tapos sinabihan pa ako ng nagpapanggap-taong adviser ko na ngumiti daw ako. eh, paano naman ako makakangiti kung nandoon siya sa harap ko, matanong nga?!

lalong sumama ang loob ko noong sinita ng principal namin yung mga guro, staff, at estudyante. sorry ha, di kasi kami kasing galing mo, eh.

nabanas pa ako lalo noong nalaman ko ang adviser ko ang nagbibigay ng diploma. madaldal pa naman siya. mahigit nakaka-kalahating minuto siya bawat estudyante eh. dude, mukhang mahaba na ang pila sa harap mo, di mo ba napapansin?

pero. ang culminating point, kung baga, ng aking kasamaan ng loob ay noong tinawag na yung pangalan ko, pumunta ako sa entablado, at kinuha yung aking kunwaring diploma.

ganito ang nangyari:

(pero bago ang lahat, kelangan natin ng TAUHAN: ako V, yung adviser demonyo DEMONYO)

DEMONYO: Right! Left! Shake! Wag kalimutan punasan ang kamay!
V (sa loob-loob): hah! di mo na kelangan sabihin na kelangan punasan ang kamay! BUBUHUSAN KO ANG BUONG KATAWAN KO NG ALCOHOL PAGKATAPOS NITO.
DEMONYO (handing over fake diploma): o, val! congratulations! (shakes hands with me) *insert annoying shit-eating grin here*
V (mumble): thank you *tries to pry hands out of contaminant's own*
DEMONYO: hah? "thank you" lang ang sasabihin mo?!
V (slightly annoyed): thank you, miss. *really, really tries to pry hand out*
DEMONYO: teka, hindi miss si sister! tatawagin mo si sister nang "miss"?! (still not letting go of my hand...)
V: sorry po, sister. *finally manages to get hand back*
DEMONYO: aba, val ah...dapat hindi ka ganyan sa graduation mismo...

DUH. siyempre hindi ako ganoon sa graduation ko. dahil pagdating sa grad mismo, HINDI IKAW ANG MAGBIBIGAY NG DIPLOMA. WALANG NAKAKABANAS NA NAGPAPANGGAP-TAO ANG MANGUNGULIT SA AKIN.

grabe. naubusan na kami ng alcohol sa bahay. CONTAMINATED PA RIN AKO.

***


pwede ba ako bigla na lang ma-coma at magising na lang ng saturday? kasi pakiramdam ko mamamatay na ako ng di oras sa mga kinababanasan ko tuwing grad practice eh.