finluithiel: (Default)
finluithiel ([personal profile] finluithiel) wrote2006-05-07 03:03 am
Entry tags:

ang aking pagiging kuwago. *bow*

ayon sa orasan, 03.03 na. grabe, wala na lang talaga akong ginawa kundi matulog kung kelan dapat gumising, at magising kung kelan dapat matulog. "contrarian" nga talaga ako, ika nga ng aking ina.

haha. bakit ba ako ganito magsulat ngayon? hindi ko naman kelangan magsulat ng sulating pormal. (at sana hindi ko na kelangan magsulat pa ng ganoon, dahil mamamatay ako kung kelangan ko nga.)

eh. teka nga. gigisingin ko na yung tito ko. kelangan na niya umalis eh, para sa trabaho niya.