Sapagkat "Buwan ng Wika" ngayong Agosto, ako'y magsusulat gamit ang wikang Filipino.
***
Kanina sa silid-aralan, habang kami'y may klase sa Pisika, mayroong bubwit na lumabas sa bag ng isa kong kaklase. [Para sa mga hindi nakaka-alam: ang bubwit ay ang anak ng isang daga. Parang si Ikabod. Kung alam mo kung sino si Ikabod, saludo ako sa iyong mga magulang dahil natago pa nila ang kanilang mga komiks. Saludo din ako sa iyo dahil mayroon kang pasensya maghalungkat sa gamit ng iyong mga magulang.]
Siyempre, kapag may lumabas na bubwit mula sa bag ng isang kamag-aral, titili ang buong klase, malayo man ang mag-aaral o malapit sa daga. At ang aming minamahal (minamahal? sino naman ang niloloko ko?!) na guro ay sa una pa lang lumayo na. Noong lumapit sa kanya ang bubwit (lumapit: mga walong upuan ang agwat nila sa isa't-isa imbes na labing-dalawa), lumabas naman siya ng silid-aralan para tumawag ng mega-manang. Haaaaay. Anong klaseng guro siya? Sana na lang sa estudyante siya nagpatawag ng mega-manang. Pero hindi. Dapat siya. Dahil takot siya sa bubwit. Hmf.
***
Tatlong pahina ang piyesa na binigay sa amin para sa speech choir. Hound (Hounds?) of Heaven ang pamagat nito. Wala na akong masasabi kung hindi dapat papayagan nila kami maghawak ng kodigo habang kami'y nagpepresenta, dahil maliban sa katotohanan na mahaba ito, ang dami pang komplikadong salita ang mauunawaan dito. Haaaay....
Ayoko na talaga sa paaralang ito. Ang dami-daming pinapagawa sa mga estudyante. Kukunin pa naman ang mga report card sa Sabado.
RAWR.
***
Bago ko tapusin ang entry na ito: noong binasa namin kanina sa klase ang piyesang pang speeh-choir, pumasok sa isip ko ang tulang Childe Rowland to the Dark Tower Came. Ewan ko kung bakit. Siguro kasi mahaba din ang tulang ito. Eh. Ewan ko.
Matutulog na nga lang ako.